Comic artist Carlo J. Caparas pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang batikang comic artist at direktor na si Carlo J. Caparas.

Sumakabilang-buhay na ang batikang comic artist at direktor na si Carlo J. Caparas.

Siya ay edad 80.

Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Peach Caparas sa isang Facebook post.

“Dad, you will forever be loved, cherished, and honored…by all of us,” mensahe ni Peach sa kanyang yumaong ama.

Si Caparas ay nakilala sa kanyang mga pinasikat na karakter tulad nina Panday, Bakekang, Gagambino at Bakekang.

Gaganapin ang wake para kay Caparas sa Golden Haven Memorial Chapels and Crematorium sa Las Piñas simula sa Lunes.