Comelec sa mga kandidato sa BSKE: Bawal na mag-promote ng sarili sa social media simula ngayong araw

Ipinagbabawal na ang pag-promote ng mga kandidato sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa kani-kanilang sarili sa mga social media pages simula ngayong Linggo, Setyembre 3 hanggang magsimula ang campaign period sa susunod na buwan, ayon sa pinuno ng Commission on Elections (Comelec).

Ipinagbabawal na ang pag-promote ng mga kandidato sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa kani-kanilang sarili sa mga social media pages simula ngayong Linggo, Setyembre 3 hanggang magsimula ang campaign period sa susunod na buwan, ayon sa pinuno ng Commission on Elections (Comelec).

Pinaalalahanan ni Comelec chair George Garcia ang mga kandidato na ipinagbabawal ang pangangampanya o anumang “partisan political activity” na wala sa awtorisadong panahon. Nakasaad ang panuntunan na ito sa Section 80 ng Omnibus Election Code, dagdag pa ng opisyal.

“Once nag-file ka ng certificate of candidacy, ikaw ay kandidato na. Bawal ang pag-post, bawal ang pangangamay, bawal ang pag-iikot, bawal ang pamimigay ng kung anu-ano dahil ikaw ay kandidato na,” paliwanag ni Garcia sa pinakabagong episode ng “The Mangahas Interviews.”

“At the same time, kung mayroon kang social media posts, kinakailangang tanggalin lahat ‘yan. Huwag na po tayong magsasabi pa na magdadahilan. ‘Yan po ay lumang mga kadahilanan na ‘yan na hindi nangangampanya dahil walang nakalagay na vote for,” patuloy ng opisyal.

Itinakda ng komisyon ang campaign period mula Oktubre 19 hanggang 28.

Samantala, ipinagbabawal naman ang anumang klase ng kampanya simula Setyembre 3 hanggang Oktubre 18, ayon sa panuntunan na pinagtibay ng Comelec Resolution No. 10905.

Binalaan ni Garcia ang mga kandidatong susuway sa reglamento ng Comelec pagdating sa pangangampanya.

“Mas maganda po sa mga magkakalaban, bantayan na lang po, bantayan niyo ‘yung kalaban niyo and file for disqualification, and the Comelec will act accordingly,” ani Garcia.