COMELEC muling susuriin SOCE ni Alice Guo!

Matapos maiulat na nakita sa kanyang Facebook page ang paggamit ng helicopter ni Mayor Alice Guo noong kanyang proclamation rally noong Abril 2022, maaaring suriin muli ng Commission on Elections (Comelec) ang kanyang isinumiteng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kahit may takdang panahon para sa pagpasa ng SOCE, walang deadline para sa mga reklamo o imbestigasyon kaugnay nito. Iginiit niya na dahil pinanunumpaang totoo ang SOCE, maaaring masampahan ng perjury ang kandidatong magkakaroon ng hindi totoong deklarasyon.

Ang SOCE ni Guo ay umabot lamang ng mahigit P134,000 mula sa kanyang personal na pondo, ngunit maaaring balikan ito ng Comelec matapos ang ulat na gumamit siya ng helicopter sa kampanya na hindi niya naideklara.

Nabatid pa na ang nasabing chopper ay pag-aari ni Guo, na kanyang inaminin sa pagdinig ng Senado ukol sa imbestigasyon ng POGO hub sa Bamban kung saan din siya isinasangkot.

Dahil dito, maaaring suriin muli ng Comelec ang isinumiteng SOCE ni Mayor Guo, kasabay ng panawagan ng Comelec chief sa publiko na mag-report kung may nakitang discrepansiya sa mga financial statements na isinampa ng mga tumatakbong opisyal.