Comelec kakasuhan si Alice Guo

Pinag-aaralan na ng Commission on Elections ang paghahain ng kaso laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Pinag-aaralan na ng Commission on Elections ang paghahain ng kaso laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay dahil sa maling pagrepresenta ni Guo sa kanyang sarili bilang isang Filipino citizen nang maghain ng certificate of candidacy noong 2022.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, malinaw na paglabag sa Omnibus Election Code ang ginawa ni Guo.

“Ang Comelec naman puwede po kaming mag-file ng kasong kriminal o election offense sa pamamagitan ng aming Law Department… sapagkat lalo pa kung meron pong misrepresentasyon o pagsisinungaling sa certificate of candidacy,” ayon kay Garcia.

“Tatandaan po natin na ang certificate of candidacy ay under oath, pinapanumpaan. At kahit po walang additional documents, naniniwala ang batas, ang Comelec na magkakaroon ng tunay na deklarasyon ang mga kandidato, sapagkat ito po ay pinanumpaan nila,” pahayag ni Garcia.