Comelec: Eleksyon ligtas na sa “drama”!

Wala nang mararanasan na "drama" sa darating na eleksyon, dahil sa desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na wakasan na ang praktis ng last-minute withdrawals at substitutions sa mga nag-aambisyon na maging opisyal ng bayan.

Wala nang mararanasan na “drama” sa darating na eleksyon, dahil sa desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na wakasan na ang praktis ng last-minute withdrawals at substitutions sa mga nag-aambisyon na maging opisyal ng bayan.

Sa panig ni Manila 6th district Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., binigyang-diin niya na ang ganitong kasanayan ay nakakompromiso sa integridad ng proseso ng eleksyon.

“Wala na ‘yung surpre-surpresa, wala na ‘yung drama,” wika ni Abante habang ipinagdiriwang ang hakbang na ito ng ComeleC

“Ayon sa desisyon ng Comelec, ito ay isang paalala na sa halalan, hindi dapat gamitin ang mga loopholes o mga paraan upang mag-manipulate…Dapat lagi nating tandaan na ang integridad at transparency ay mahalaga sa tunay na demokrasya,” dagdag pa ng dating deputy speaker.

Matatandaang noong nakalipas na eleksyon 2015 at 2021, kung saan nagkaroon ng mga substitutions sa mga kandidato, tulad ng pagpapalit kay Duterte kay Diño at ang pagiging bise presidente candidate ni Sara Duterte.