‘Come and see’: Mga negosyante sa Australia, nakabantay sa Pilipinas—envoy

May programa ang Australia na layong pag-igtingin ang kalakalan sa pagitan ng Australia at mga bansa sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas.

Tinitignan mabuti ng mga negosyante sa Australia ang Pilipinas para sa mga posibleng oportunidad na mamuhunan dito.

Iyan ang sabi ni Australian Ambassador HK Yu nitong Miyerkules, Nobyembre 22, nang dumalo ito sa 2023 Pilipinas Conference na ginanap sa Makati.

“They have actually seen opportunities in the broader Southeast Asia for a number of years now and we have seen an active engagement with Indonesia and Vietnam, but in more recent years, they are starting to pay serious attention to the Philippines as well,” aniya.

Dagdag pa niya, kapansin-pansin ang mga reporma sa ekonomiya at mga patakaran sa regulasyon na pinapatupad ngayon ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“The view about the Philippines is changing. There is still more work to be done, but it is changing. And together I believe we can bring more Australian investors, Australian companies here,” saad ni Yu.

BASAHIN RIN: Para makahikayat pa ng mamumuhunan sa bansa: Repaso sa CREATE Act, lusot na sa kumite ng Kamara

Dagdag pa ni Yu, may programa ang Australia na layong pag-igtingin ang kalakalan sa pagitan ng Australia at mga bansa sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas.

“We want to attract really big Australian companies even those who’ve never been to the Philippines. We’re kind of encouraging them to come and see what the Philippines has got to offer,” paliwanag niya.