COA: Remulla kinilala bilang highest paid Cabinet member ng 2023

Kinilala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang highest paid na miyembro ng Gabinete noong 2023.

Kinilala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang highest paid na miyembro ng Gabinete noong 2023.

Ayon sa Commission on Audit (COA), umaabot sa higit na P7 milyon ang kinita ni Remulla at may dagdag pang benepisyo.

Sinundan naman ito ni Special Assistant to the President 2 na si Secretary Antonio Lagdameo, Jr. na may P6.98 milyon.

Pumangatlo naman si Secretary Renato Solidum Jr. ng Department of Science and Technology na may P6 milyon din.

Nasa ika-apat naman si Department of Public Works and Highways chief Manuel Bonoan na may P5 milyon.

At nasa panglima si Presidential Assistant 2 Leo Magno na may P4.96 milyon.