Co, Romualdez binisita pinatatayong Legacy hospital sa Bicol

Personal na nagtungo sina Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at House Speaker Martin Romualdez para makita ang pinatatayong legacy specialty hospital sa Bicol.

Personal na nagtungo sina Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at House Speaker Martin Romualdez para makita ang pinatatayong legacy specialty hospital sa Bicol.

“Visited the construction site of the Legacy Hospital in Bicol with Speaker Martin Romualdez, colleagues from Congress, and LGU leaders!” ayon kay Co.

“This facility was designed with service in mind. Soon enough, abot-kamay na ang quality healthcare sa mga Bicolano!” aniya pa.

Ang proyekto na isinulong ni Co ay isang 10-storey legacy hospital na tinatayo sa Legazpi, Albay.

Ito ay level 3 hospital na may heart center, lung center, cancer center at iba pang facilities na tutugon sa mga medikal na pangangailangan ng mga Bicolano

Layunin nito na serbisyuhan ang mga Bicolano nang hindi na kailanganin bumiyahe pa-Maynila para makapagpagamot.