Co: Bicol ramdam pagbuhos ng biyaya mula kay PBBM

Ipinaabot ni Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. dahil sa walang sawang pagtulong nito sa rehiyon ng Bicol.

Ipinaabot ni Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa walang sawang pagtulong nito sa rehiyon ng Bicol.

Kamakailan kasi ay bumisita ang Pangulo sa Bicol upang maghatid ng tulong sa mga mangingisda, magsasaka, at ilang pamilya na lubhang naapektuhan ng El Niño.

Ayon kay Co, ramdam sa buong rehiyon ang pagbuhos ng mga biyaya mula sa iba’t ibang proyekto ng Pangulo, na siyang malaking tulong para sa pag-angat ng kabuhayan ng bawat mamamayan sa Bicol.

“Today, we’re not just graced by your presence, Mr. President, but also by the profound impact of your legacy projects,” wika ni Co.

“Sa bawat sulok ng Bicol Region, ramdam po namin ang pagbuhos ng biyaya mula sa inyong administrasyon. Ang mga proyekto at programang ito’y nagpapataas ng kalidad ng buhay at nagbibigay din ng bagong pag-asa’t inspirasyon sa aming mga Bicolano,” dagdag pa nito.

Aniya, ang papel sa pagpapalakas ng seguridad sa pagkain, kalusugan, at pabahay sa rehiyon.

Dahil dito, sinabi ni Co na buo ang kanyang suporta, bilang chairman ng House Committee on Appropriations sa mga adhikain ni Marcos.

“Makakaasa po kayo sa matibay at tuluy-tuloy na suporta ng House of Representatives sa inyong mga adhikain para sa bansa,” ani pa Co.