CNN Philippines, tigil operasyon matapos ang 9 na taon; mahal na license fee, pagkalugi, itinuturong dahilan

Una nang inamin ng pamunuan ng CNN Philippines na hirap ang network na kumita, at mahal ang naturang license fee na binabayaran ng kumpanya sa CNN. Binabayaran ang license fee para sa pahintulot na magamit ang brand na CNN dito sa Pilipinas.

Pormal nang inanunsyo ng pamunuan ng CNN Philippines na titigil na ang operasyon nito sa lahat ng plataporma sa Enero 31, halos siyam na taon matapos itong umere.

“CNN Philippines will discontinue operations on all media platforms effective Wednesday, January 31, 2024,” pahayag ng network sa kanilang Facebook page. “A trusted source of news and information, CNN Philippines is accessible on free-to-air TV, cable, and digital platforms.”

Una nang inamin ng pamunuan ng CNN Philippines na hirap ang network na kumita, at mahal ang naturang license fee na binabayaran ng kumpanya sa CNN. Binabayaran ang license fee para sa pahintulot na magamit ang brand na CNN dito sa Pilipinas.

Pinasalamatan ng CNN Philippines ang mga masugid nitong tagasunod at sa mga staff nito na nagtrabaho sa network sa loob ng siyam na taon.

“To our staff, we thank you for your commitment and dedication,” ayon sa network. “To our partners, including CNN Worldwide/Turner Broadcasting Corp., we are grateful for your support.”

“And to our viewers, our sincerest gratitude for your loyalty and trust for over the past nine years,” dagdag pa ng network.