Clout pa more! Babae na inescort ng HPG, kakasuhan ng PNP

Sasampahan ng reklamo ng Philippine National Police (PNP) ang babae sa viral post na inescort umano ng Highway Patrol Group (HPG) upang makaiwas sa traffic.

Sasampahan ng reklamo ng Philippine National Police (PNP) ang babae sa viral post na inescort umano ng Highway Patrol Group (HPG) upang makaiwas sa traffic.

Ayon kay PNP Chief Information Officer Col. Jean Fajardo, nais kasuhan ng HPG ang babae sa viral post na si Mary Joy Santiago ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act.

Pinabulaanan kasi ng HPG na hindi tao ang officer na nasa viral post.

“According to the HPG, hindi nila tao yun,” ani Fajardo.

Nag-viral nitong nakaraang araw ang post ni Santiago sa Instagram kung saan sinabi na “escorted” sila ng kinuhang HPG personnel ng kanyang asawa upang siguraduhing di sila maipit sa trapiko.