Clingy yarn! Lalaki niyakap higit 1,000 puno sa loob ng isang oras

Swak sa Guinness World Records ang pakana ng isang lalaki mula Ghana nang yakapin nito ang 1,123 na puno sa loob ng isang oras.

Swak sa Guinness World Records ang pakana ng isang lalaki mula Ghana nang yakapin nito ang 1,123 na puno sa loob ng isang oras.

Kinilala ang lalaki bilang si Abubakar Tahiru, 29, anyos, na kasalukuyang nag-aaral ng master’s degree sa forestry sa Auburn University sa Alabama, USA.

Ang binilang ng Guinness ay ang mga yakap ni Tahiru kung saan nakapalibot ang dalawa niyang braso sa puno. Bukod pa rito, bawal siyang umulit ng yakap sa isang puno.

Ginawa ni Tahiru ang world record attempt sa Tuskegee National Forest sa Alabama.

Para masungkit ang world record, dapat mayakap ni Tahiru ang 700 puno sa loob ng isang oras. Gayunman, walang kahirap-hirap na nagawa niyang yakapin ang 1,123 na puno sa inilaang oras.

Partida pa ni Tahiru, ginawa niya ang world record habang nasa gitna ng Ramadan.

Aniya, ang layunin ng kanyang world record ay ipalaganap ang kahalagahan ng mga puno sa kapaligiran.