Christmas tree-ligthing ceremony sa Legazpi City, Daraga, dinumog ng tao

Nagalak si Albay Gov. Edcel Greco Lagman na makitang masaya ang kanyang kababayan lalo na sa kanilang inihandang pailaw at mga surpresa.

ALBAY – Naging makulay at masaya ang Christmas tree lighting sa Peñaranda Park sa Legazpi City noong nakaraang linggo.

Bukod sa parke, nilagyan din ng mga dekorasyon ang Kapitolyo na naging dagdag na atraksyon sa publiko.

Pinangunahan ni Albay Gov. Edcel Greco Lagman ang aktibidad at ayon sa kanya, ikinakataba ng kanyang puso na makitang masaya ang kanyang kababayan lalo na sa kanilang inihandang pailaw at mga surpresa.

Pero bago pa ang pagpapailaw, nauna nang namigay ng regalo ang pamahalaang panlalawigan sa 500 bata na kasalukuyang nasa selebrasyon. Nagkaroon din ng fireworks display na lalo ikinatuwa ng mga manonood.

Samantala, nitong Sabado ay pinailawan din ang Giant Christmas Tree sa Ninoy Aquino Park sa Daraga, Albay.

Bukod sa string of lights at Giant Christmas Tree, bukas na rin ang kanilang Christmas Village kung saan tampok dito ang mga produkto sa lugar.