Christian-christian sa salita pero sa gawa kaya? Andrea Brillantes, wala raw sa planong mag-jowa sa taong ito, aminadong hirap sa bashing

Hanggang ngayon ay hindi pa nagkokomento si Brillantes sa naging papel niya sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, kahit isa siya sa mga natsitsismis na third party.

Sinabi ng aktres na si Andrea Brillantes na wala sa plano niya ang magkaroong muli ng love life ngayong 2024.

“New love romantically? Hmmm, not really, hindi po talaga yun yung nasa focus ko,” sabi ni Brillantes sa showbiz reporter na si MJ Felipe. “Never ko pong isasara yung heart ko and yung doors ko for love. I mean, I’m only turning 21 this year, but really wala talaga siya sa focus ko. Wala siya sa vision board ko.”

Sa parehong panayam ay inamin ng dalaga na lubha siya naapektuhan at nahirapan sa mga bashing na natanggap niya noong 2023. Pero nakahanap naman raw siya ng peace of mind dahil sa kaniyang pananampalataya.

“To be honest po, talagang puro lang po ako church. I was just strengthening my relationship with God and naniniwala lang po ako sa kanya and yun lang po,” saad niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagkokomento si Brillantes sa naging papel niya sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, kahit isa siya sa mga natsitsismis na third party.

“When you seek God, you find peace. I found naman, I wasn’t really at peace, I had peace through Him,” dagdag ni Brillantes.