CHR: Tuloy ang kaso laban sa mga amo ng bugbog-sarado na Mindoro

Nanindigan ang Commission on Human Rights (CHR) laban sa mga mapangabuso para protektahan ang mga nagigipit sa lipunan, matapos magpa-abot ng tulong sa kasambahay ng ginulpi ng kanyang amo sa Occidental Mindoro.

Magpapaabot ng P10,000 financial assistance ang Commission on Human Rights kay Silvera “Elvie” Vergara, ang helper na diumano ay inabuso ng ilang taon ng kaniyang mga amo sa Occidental Mindoro.

Story text:

Magpapaabot ng P10,000 financial assistance ang Commission on Human Rights (CHR) kay Silvera “Elvie” Vergara, ang helper na diumano ay inabuso ng ilang taon ng kaniyang mga amo sa Occidental Mindoro.

“This case reveals the vulnerability of domestic workers even in our own country. This is unfortunate considering that the Philippines is among the first countries to affirm the Domestic Workers Convention under the International Labor Organization Convention No. 189, which declares that domestic workers have the right to a safe and healthy working environment,” pahayag ng CHR nitong Biyernes, Setyembre 22.

Dagdag pa nito: “CHR will continue to stand for the rights of the weak, vulnerable, and marginalized sectors. As part of the CHR investigation, we have issued a subpoena to the employers, and we are also looking into recommending the filing of charges against the barangay chairman.

Kaugnay nito, pinapurihan ng komisyon sina Senador Jinggoy Estrada at Raffy Tulfo sa pag-iimbestiga nila sa nasabing pang-aabuso.