CHR nabahala sa pag-abswelto sa gurong nanermon sa TikTok

Ikinabahala ng Commission on Human Rights (CHR) ang desisyon ng Department of Education (DepEd) na huwag parusahan ang gurong nag-viral sa panenermon ng kanyang mga estudyante sa TikTok.

Ikinabahala ng Commission on Human Rights (CHR) ang desisyon ng Department of Education (DepEd) na huwag parusahan ang gurong nag-viral sa panenermon ng kanyang mga estudyante sa TikTok.

Ayon sa CHR, ang mga sinabi ng guro sa kanyang mga estudyante ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kaisipan ng mga bata.

“A school is a place of learning and must always be a safe place for children. Using demeaning and debasing words violates the inherent dignity of children and can have a lasting adverse effect on them,” saad sa pahayag ng CHR.

Sa viral na video, ilan sa mga sinabi ng guro sa kanyang mga estudyante ay, “wala kayong mararating sa buhay.”

“Demoralizing and discriminatory language, such as what can be seen in the video, can negatively affect the students’ perception of their self-worth, which can impact many areas of their life,” dagdag pa ng komisyon.

Paliwanag pa ng CHR, pasok sa depinisyong ng child abuse ang ginawa ng guro sa kanyang mga estudyante. Nasa ilalim din umano ito ng Child Protection Policy ng DepEd.

Mungkahi ng CHR, mag-isyu ang DepEd ng karagdagang probisyon sa Child Protection Policy upang masiguro na hindi maaabuso ng mga mag-aaral ang kanilang mga guro.

“Teachers, under the law, are considered as second parents of students in school. It is expected that they are not only committed to teaching but are also duty-bound to ensure that schools are nurturing, enabling, and safe spaces that are conducive for learning and free from all forms of abuses, whether physical or verbal,” wika pa ng CHR.