Chocolate hills resort, lagot sa DILG!

Nakarating na sa Bohol ang mga kinatawan ng Department of Interior and Local Government upang imbestigahan ang mga resort na nakatayo sa Chocolate Hills.

Nakarating na sa Bohol ang mga kinatawan ng Department of Interior and Local Government upang imbestigahan ang mga resort na nakatayo sa Chocolate Hills.

Balak umano nilang alamin kung magkakaroon ng pananagutan ang sinumang idibidwal o lokal na pamahalaan.

Sisimulan ng mga awtoridad ang kanilang imbestigasyon sa unang nag-viral na Captain’s Peak.

“Ang purpose nito ay alamin kung may liability ang kung sino mang tao, lalo na local government unit dahil isa sa mandato ng DILG is to supervise local government unit. Kung walang kasalanan, wala namang problema,” saad ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr.

“Pero nakita natin, sumalubong sa atin isang swimming pool… Ang tanong panong nangyari yun? Sinong gumawa nito? Dapat managot yang mga taong yan,” dagdag pa nito.

Samantala, panawagan ni Abalos sa publiko: “Kung may alam kayong binababoy na lugar, sabihin nyo sa amin at ipaalam para maaksyunan po natin.”