Chiz umaming sa kanya kotse na nahuli sa bus lane at humarurot ng takas

Inamin ni Senador Chiz Escudero na siya ang may-ari ng itim na kotseng na may protocol plate na No. 7 na nahuling dumaan sa EDSA carousel bus lane.

Inamin ni Senador Chiz Escudero na siya ang may-ari ng itim na kotseng na may protocol plate na No. 7 na nahuling dumaan sa EDSA carousel bus lane.

Ayon kay Escudero, hindi siya ang nagmamaneho ng sasakyan kundi ang driver ng kanyang kamag-anak.

Batid din ng mambabatas na mali ang pagdaan ng driver sa bus lane dahil mahigpit itong pinagbabawal.

“The use of the protocol plate was unauthorized, as the vehicle was being driven by the driver of a family member. The No. 7 protocol plate was also abused because vehicles with these plates are not allowed to use bus lanes,” saad ni Escudero.

Ayon pa kay Escudero, isu-surrender niya sa Land Transportation Office (LTO) ang naturang protocol plate na nahuli sa EDSA.

Kanya ring inutusan ang driver na humarap sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para harapin ang atraso nito.

Matatandaan na kumaripas ng andar ang driver ng SUV na dumaan sa bus lane matapos iwan ang kanyang lisensya kahit hindi pa nito nakukuha ang ticket na hinahanda ng traffic enforcer.

Humingi naman ng paumanhin si Escudero sa naturang insidente, at pinuro ang mga awtoridad sa pagpapatupad ng traffic regulation.