Chiz sinita BI: Mahigpit sa mga OFW, pero maluwag sa POGO!

Kinalampag ni Senador Chiz Escudero ang Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagiging mahigpit sa mga Pinoy na lalabas ng bansa kumpara sa mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na papasok sa 'Pinas.

Kinalampag ni Senador Chiz Escudero ang Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagiging mahigpit sa mga Pinoy na lalabas ng bansa kumpara sa mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na papasok sa ‘Pinas.

Napansin ni Escudero na tila mas napapaboran ng BI ang mga POGO worker na pumapasok ng bansa kaysa sa mga Pinoy na pupunta abroad.

“Strikto sila sa mga Pilipinong umaalis pagdating sa pag-ooffload pero ang luwag-luwag naman nila pagdating sa mga POGO employees, POGO players,” ayon kay Escudero sa isang radio interview.

“Hindi ba dapat strikto tayo sa nakakapasok sa ating bansa at maluwag tayo sa kapwa nating Pilipinong nais makipagsapalaran sa ibang bansa dahil wala naman tayong polisiya laban sa pagiging OFW?” saad pa ng mambabatas.

Ito ang naging reaksyon ni Escudero matapos malaman na may mga foreign student na nagbabayad ng milyones para magkaroon ng degree sa Cagayan.

Napaulat na ilang Chinese student ang naka-enroll sa Cagayan, na malapit sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site.