Chiz: Palasyo hindi nakialam sa pagpapalit ng Senate President

Nilinaw ni Senador Francis 'Chiz' Escudero na walang naging papel ang Malacañang sa pagpapalit ng liderato sa Senado.

Nilinaw ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero na walang naging papel ang Malacañang sa pagpapalit ng liderato sa Senado.

Naitanong kay Escudero kung may kumausap sa kanya mula Palasyo para maging Senate President.

“Wala. Sa katunayan, ayokong magsalita pero siguro pa sa ibang bagay pero sa bagay na ito, wala, hindi ako kinausap,” tugon ni Escudero.

Si Escudero ang niluklok na bagong Senate President ng 19th Congress kapalit ni Senador Miguel Zubiri.

Kaagad na naupo bilang Senate president si Escudero sa plenary session nitong Lunes, May 20.