Chiz nanghingi advice kay Sotto, Lacson pano maging lider ng Senado

Nakipagkita ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa mga dati niyang kasamahan na sina dating Senate president Vicente “Tito” Sotto III at dating Senador Panfilo Lacson.

Nakipagkita ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa mga dati niyang kasamahan na sina dating Senate president Vicente “Tito” Sotto III at dating Senador Panfilo Lacson.

Ayon kay Escudero, humingi siya ng payo sa dalawa ukol sa kanyang bagong posisyon bilang lider ng mataas na kapulungan.

“Nagkita kami, nag-lunch kami kahapon…Bilang paghingi ng payo… sa nauna sa akin bilang pagtanggap na hindi ko naman pwedeng hawak lahat ng kaalaman kaugnay ng pwestong hinahawakan ko ngayon,” ani Escudero.

Karamihan raw sa ipinayo sa kanya ng dating mambabatas ay ang hinggil sa tungkuling pang-administratibo sa Senado.

“Marami sa administrative function sa Senado. Kino-quote pa ni Tito Sen si Tali, si senator Neptali Gonzales sa binigay raw sa kanya noon,” ayon kay Escudero.

Ibinahagi din ni Escudero ang kanilang kwentuhan sa pagsariwa sa panahon ng kanilang pagsaama sa Senado.

Samantala, matunog ang napipintong pagbabalik ni Lacson at Sotto sa politika sa darating eleksyon 2025.