Chiz nabagot sa bangayang Morales, Cacdac: Ang layo ng usapin!

Hindi napigilan ni Senator Francis "Chiz" Escudero na magsalita matapos ang 'di umano'y napapalayong usapin sa ginanap na pagdinig sa Senate committee on public order.

Hindi napigilan ni Senator Francis “Chiz” Escudero na magsalita matapos ang ‘di umano’y napapalayong usapin sa ginanap na pagdinig sa Senate committee on public order.

Nagpatawag kasi ng pagdinig sa senado si Senator Ronald “Bato” dela Rosa upang talakayin ang leaked documents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kung saan nakalista ang mga gumagamit ng iligal na droga.

Dito, sinabi ni dating PDEA director general Arturo Cacdac na sinira ni ex-PDEA agent Jonathan Morales ang reputasyon ng ahensya dahil sa kanyang pag-amin sa pagtatanim ng ebidensya sa kanilang naging operasyon.

Dahil sa napapalayong usapin ay nagsalita si Chiz at sinabing ang mga isyung napag-uusapan ay tila malayo sa totoong usapin na kailangang mabigyan ng linaw.

“I’m sorry, I’ve been really patient, but this has absolutely nothing to do with the Batangas drug haul and nothing to do with the PDEA leaks,” pahayag nito.

Aniya, maaaring sariling hinanakit na lang umano ni Morales ang kanyang inilalabas laban kay Cacdac o former PDEA chief General Felizardo Serapio.

“This is something former agent Morales has probably against (former PDEA chief) General Arturo Cacdac or probably has something against (former PDEA chief) General Felizardo Serapio,” saad ni Escudero.

“Ang layo na ho ng [usapin]. Pati ‘yung mga Tan na po nai-involve na, eh. Ang layo na ho, eh,” dagdag pa nito.