Chiz gustong patakbuhin De Lima: ‘Deserve mo ang Senado’

Naniniwala si Senate President Francis "Chiz" Escudero na nararapat lang bumalik sa pwesto sa mataas na kapulungan si dating Senator Leila de Lima.

Naniniwala si Senate President Francis “Chiz” Escudero na nararapat lang bumalik sa pwesto sa mataas na kapulungan si dating Senator Leila de Lima.

Nang tanungin si Escudero kung sa tingin niya’y dapat bumalik sa politika si De Lima, ang sagot ng bagong senate president ay “deserve” ng dating senador na bumalik sa Senado kung siya ay muling tatakbo sa 2025.

“I hope so because she deserves to be in the Senate, but is she running?” sabi ni Escudero sa isang text message.

Pinuri din ni Escudero ang katatagan at pananampalataya ni De Lima na harapin ang mga ibinato at ipinataw na kaso sa kanya ng mga nasa pwesto sa loob ng pitong taon.

“I congratulate former Senator De Lima, not only for finally getting justice but for facing her accusers head-on and following and believing in the rule of law, however unfair it may have looked upon her at that time,” aniya.