Chiz Escudero inatake sa puso? Fake news!

Nabiktima ng fake news si Senador Chiz Escudero matapos lumabas ang isang report na inatake umanonito sa puso at na-stroke.

Nabiktima ng fake news si Senador Chiz Escudero matapos lumabas ang isang report na inatake umanonito sa puso at na-stroke.

Sa Instagram live ng kanyang maybahay na si Heart Evangelista, makikita si Escudero na malusog sa kanilang tahanan.

Habang nagpipinta si Heart sa video ay makikitang nagpapagupit naman si Escudero, na binati pa ang mga followers ng kanyang misis.

Umugong ang intriga na in-airlift pa umano si Escudero para madala sa St. Luke’s Hospital.

Nag-ugat ang fake news tungkol sa senador matapos mag-post ang isang kilalang anti-government na vlogger tungkol sa isang mambabatas na inatake umano sa puso.

IMG 5584