Chiz ’di nagulat sa paglayas ni VP Sara sa Gabinete ni PBBM

Hindi na nagulat si Senate President Francis 'Chiz' Escudero sa pag-resign ni Vice President Sara Duterte bilang DepEd Secretary.

Hindi na nagulat si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero sa pag-resign ni Vice President Sara Duterte bilang DepEd Secretary.

Ayon kay Escudero, buhat nang magsimulang patamaan ni former President Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay hindi na maiiwasan na bibitaw si VP Sara sa gabinete ni PBBM.

“I believe her resignation was inevitable from the time her father, FPRRD, and her siblings and allies started attacking PBBM and members of the First family,” sabi ni Escudero.

“It’s inevitability became more pronounced when she was already silent and not expressing her support on certain policy issues such as the West Philippine Sea, the Bagong Pilipinas Hymn, the Quiboloy cases and attempted arrest, etc.,” dagdag pa niya.

Inanunsyo ni VP Sara ang kanyang resignation sa DepEd pati ang pagiging chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Hindi na binanggit ng Bise Presidente ang dahilan ng kanyang pagkalas sa gabinete ni Marcos.