Chinese national nadakip sa NAIA dahil sa kasong cyber fraud

Arestado ang isang Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa may Pasay City dahil sa pagkakasangkot sa cyber fraud.

Arestado ang isang Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa may Pasay City dahil sa pagkakasangkot sa cyber fraud.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), nahuli sa NAIA Terminal 3 noong Abril 28 ang suspek na si Qin Xingye bago makasakay sa isang flight ng Air Asia patungong Hong Kong.

Nadakip ang suspek matapos umanong lumabas na may-hit ang pangalan nito sa derogatory check nang humarap ito sa mmigration departure counter.

“He was referred by the immigration officer to his supervisors who verified his identity and later confirmed that the passenger and the person in the bureau’s derogatory list are one and the same,” pahayag ni Commissioner Norman Tansingco.

Sa ngayon ay nakakulong sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang suspek habang naghihintay ng deportasyon.