Chinese militia, coast guard boats, binangga ang mga barko ng Pilipinas—NTF-WPS

Kasalukuyang isinasagawa ang isang resupply mission para sa mga tropa ng Pilipinas na nakaposte sa BRP Sierra Madre.

Bumangga ang isang China Coast Guard na barko sa resupply boat na Unaiza May 2 (UM2) na patungo sa BRP Sierra Madre ngayong Linggo ng umaga, Oktubre 22, para sa magbahagi ng mga supply para sa mga sundalong Pilipino doon.

Binangga rin ng isa pang Chinese maritime militia vessel ang barko ng Philippine Coast Guard na kasama sa naturang resupply mission, ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS).

Sa isang pahayag, kinastigo ng NTF-WPS ang panibagong panggigipit ng China sa loob mismo ng teritoryo ng Pilipinas.

“The provocative, irresponsible, and illegal action of CCGV 5203 imperiled the safety of the crew of UM2,” ayon sa pahayag ng NTF-WPS. “Relevant authorities are briefed of the incident and developments in the ongoing RORE mission.”

“The National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) condemns in the strongest degree the latest dangerous, irresponsible, and illegal actions of the CCG and the Chinese Maritime Militia done this morning, in violation of Philippine sovereignty, sovereign rights and jurisdiction and in utter blatant disregard of the United Nations Charter, the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS) and relevant international maritime conventions, and the 2016 Arbitral Award,” dagdag pa nito.