Chinese general na sinopla ni PBBM, sinikmat ni De Lima

Nilarawan ni dating Senadora Leila de Lima na 'gaslighting' ang pahayag ni Chinese Major General Xi Hui na sinisira umano ng Pilipinas ang kapayapaan sa rehiyon.

Nilarawan ni dating Senadora Leila de Lima na ‘gaslighting’ ang pahayag ni Chinese Major General Xi Hui na sinisira umano ng Pilipinas ang kapayapaan sa rehiyon.

“Chinese Major General Xu Hui’s question/commentary to BBM during his Singapore speech is another classic demonstration of Chinese doublespeak and gaslighting,” saad ni De Lima.

Ayon kay De Lima, walang maloloko si Xu na pinalalabas na regional problem lang ang gusot sa West Philippine Sea.

“Of course, it’s in China’s interest to isolate the West in its hegemonic designs in the South China Sea by framing the conflict as a regional problem,” lahad ni De Lima.

“General Xu is not fooling anyone. We have lived long enough with China’s duplicitous tactics for three decades to not know any better,” aniya pa.

Sa tanong ni Xu kay Pangulong Ferdinand Marcos sa Shangri-la Dialogue sa Singapore, sinabi nito na tila winawasak umano ng Pilipinas ang kapayapagaan dahil sa pagsuporta ng ibang bansa sa Pilipinas ukol sa tensyon sa WPS.