Chinese fugitive, huli sa NAIA!

Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Beijing na itinuturing na fugitive of justice.

Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Beijing na itinuturing na fugitive of justice.

Kinilala ang dayuhan na si Zhnag Xianfa, 36-anyos, na naaresto noong Pebrero 14 sa immigration departure area ng NAIA Terminal 3.

Ayon sa BI, sasakay sana si Zhang sa Cebu Pacific flight papuntang Guanzhou, China ngunit agad na hinarang ng BI agents matapos mapunang kasama siya sa listahan ng mga dayuhang may existing derogatory records.

Itinurn-over siya sa mga tauhan ng Border Control and Intelligence Unit (BCIU) ng BI at saka dinala sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Nasa deportation list na ng BI si Zhang mula pa noong Mayo 2023 dahil sa pagiging undesirable alien.

Isa siya sa 16 na Chinese nationals na hiniling ng China na ipa-deport dahil sa mga krimeng ginawa umano nila sa kanilang bansa. Ang lahat ng iba pang 15 Chinese nationals ay inutusan ding i-deport ng BI.

Ayon sa BI, ibabalik si Zhang sa Beijing matapos ang mga kinakailangang clearance para sa kanyang deportasyon at idiniin na ang Chinese national ay pinagbawalan nang muling pumasok sa Pilipinas bilang resulta ng kanyang pagkakasama sa immigration blacklist.