Chinese diplomat, ipinatawag ng DFA matapos mam-bully muli China sa WPS!

Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Chinese Embassy of Manila Deputy Chief of Mission na si Zhou Zhiyong dahil sa pag-bomba ng mga Chinese Coast Guard (CCG) ng water canon sa mga vessel ng Pilipinas.

Ayon sa inilabas na pahayag ng DFA, ang mga vessel ng bansa ay naglalakbay sa karagatan upang magsagawa ng humanitarian mission sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Sinabi ng DFA na ito umano ang ginagawang panggigipit at pangha-harass ng CCG ay mariing tinututulan ng pamahalaan.

“The Philippines demanded that Chinese vessels leave Bajo de Masinloc and its vicinity immediately,” nakasaad sa pahayag.

Samantala, nasa 20 diplomatic protests laban sa Tsina na ang naisumite para lamang sa taong ito.