China sinadya pagharang sa resupply mission sa Ayungin Shoal – Teodoro

Sinadya ng China na pigilan ang rotation and resupply mission (RoRe) ng Armed Forces of the Philippines sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Hulyo 17.

Sinadya ng China na pigilan ang rotation and resupply mission (RoRe) ng Armed Forces of the Philippines sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Hulyo 17.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na gumamit ang Chinese Coast Guard ng puwersa para harangin ang barko ng Pilipinas.

Hindi aniya itinuturing ng Pilipinas na misunderstanding o aksidente ang nangyari.

“We see the latest incident in Ayungin not as a misunderstanding or an accident. It is a deliberate act of the Chinese official to prevent us from completing our mission,” pahayag ni Teodoro.

“After our visit to our troops in Palawan yesterday where the President personally talked to the troops involved in the RoRe, we have now come to the conclusion that it was not a misunderstanding or an accident. We are not downplaying the incident. It was an aggressive and illegal use of force,” pahayag ni Teodoro.

Sa kabila nito, sinabi ni Teodoro na patuloy na maghahanap ng mapayapang paraan ang gobyerno ng Pilipinas para maresolba ang isyu.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na hindi makikipag-giyera ang Pilipinas dahil sa insidente.

“We are not in the business to instigate wars. The Philippines is a responsible state. We will continue to exercise our freedoms and rights in support of our national interests in accordance with international law,” pahayag ni Pangulong Marcos sa harap ng mga sundalo na nagsagawa ng RoRe mission sa Ayungin Shoal.