China pwede itaboy sa tulong ng economic Cha-cha – solon

Ipinagmalaki ni Cagayan de Oro City 2nd district Rep. Rufus Rodriguez na magkakaroon ng kapangyarihan ang Kongreso na harangin ang China at iba pang mga delikadong foreign investor kapag naisabatas na ang economic Charter Change (Cha-cha).

Ito ang sagot ni Rodriguez sa pangamba ng Makabayan bloc na baka dumating ang araw na maging ang elektrisidad ng bansa ay kontrolado na rin ng China.

“Congress can craft a law to make sure that risky countries or investments with implications on our national interest and security can be checked and barred from coming in,” wika ni Rodriguez.

Sa ilalim ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 7, ilalagay ang katagang “unless otherwise provided by law” sa economic provisions ng Konstitusyon.

Ani Rodriguez, sa tulong umano nito ay magkakaroon ng awtoridad ang Kongreso na baguhin ang limitasyon ng mga foreign investor sa bansa.

Sa kasalukuyan ay 40% ng National Grid Corp. of the Philippines ang kontrolado ng China.