China ‘pino-provoke’ kaming pumatol – PH Navy

Sinabi ng Philippine Navy na hinihintay lamang ng China na ang Pilipinas ang magpaputok ng unang bala, sa kabila ng mas tumitinding tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ng Philippine Navy na hinihintay lamang ng China na ang Pilipinas ang magpaputok ng unang bala, sa kabila ng mas tumitinding tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ngunit sinabi ni Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na hindi sila papadala sa agresibong aksyon ng China.

Lahat umano ng kanilang hakbang ay naaayon sa international law, na siyang magtitiyak na ang kanilang karapatan ay protektado.

“They would like to push us to fire the first shot. ‘Yun ang labanan diyan. You should understand, [the] Chinese thought papatol tayo sa maling paraan,” pahayag ni Trinidad.

““Our actions will always be guided by the rules of engagement. It will always be within the bounds of international law. We are here to assert our sovereignty. We are here to ensure our sovereign rights are protected. Gagawa siya ng mga paraan na ikaw ang magkakamali… Ano protection mo doon? WIthin the bounds of law dapat lahat ng aksyon mo,” dagdag pa nito.

Kamakailan ay pitong sundalong Pilipino ang nasaktan sa ginawang pangha-harrass ng China, habang nagsasagawa sila ng rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal.

Bukod pa riyan, naulat din na sumampa ang mga tauhan ng Chinese Coast Guard sa rigid-hulled inflatable boats ng bansa at kinuha ang ilang baril.