China pinakamalaking banta sa ‘Pinas, ayon sa mga Pinoy – survey

Lumabas sa isang pag-aaral ng OCTA Research survey na itinuturing ng karamihan sa mga Pilipino ang China bilang pinamalaking kaaway ng bansa.

Lumabas sa isang pag-aaral ng OCTA Research survey na itinuturing ng karamihan sa mga Pilipino ang China bilang pinamalaking kaaway ng bansa.

Ayon sa survey, pito sa sampung Pilipino ang kumikilala sa China bilang isang malaking banta sa kaayusan at ekonomiya ng Pilipinas.

Isinagawa ang pag-aaral mula March 11 hanggang March 14 kung saan 1,200 indibidwal ang tinatanong kung sino sa tingin nila sa bansang nakalista sa survey ang may pinakamatinding banta sa Pilipinas.

Ang bilang ng mga respondent na tumukoy sa China bilang isang “threat” ay tumataas sa 17% mula nang magsimula ang administrasyon ni Marcos.