China pinagbabayad sa sinirang PH vessel sa Ayungin

Pinababayaran ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang danyos sa sinirang Rigid Hull Inflatable Boat (RHIB) ng China nang isinagawa ng Pilipinas ang RORE Mission sa Ayungin Shoal.

Pinababayaran ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang danyos sa sinirang Rigid Hull Inflatable Boat (RHIB) ng China nang isinagawa ng Pilipinas ang RORE Mission sa Ayungin Shoal.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., sinira at binutas ng Chinese Coast Guard (CCG) ang kanilang RHIB gamit ang bolo, sibat at kutsilyo.

Bukod sa pagbutas ng RHIB, kinuha rin umano ng CCG ang mga dis-assembled na baril na nakalagay sa kahon.

Ani Brawner, ang aksyon na ito ay isang malinaw na uri ng pamimirita.

Matataandaang nitong Hunyo 17 ay sinubukang pigilan ng China ang operasyon ng militar sa BRP Sierra Madre.

Dito ay isang miyembro ng Philippine Navy Special Operations Group (NAVSOG) ang naputulan ng daliri sa insidente, habang ang mga kasamahan nito ay sugatan din.