China pinagbabayad ng P60M danyos sa Ayungin incident

Sinisingil ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang China sa mga gamit na nasira at kinuha nito sa Ayungin incident noong June 17, na umaabot sa P60 million pesos.

Sinisingil ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang China sa mga gamit na nasira at kinuha nito sa Ayungin incident noong June 17, na umaabot sa P60 million pesos.

Ayon kay AFP Chief of Staff Ge. Romeo Brawner, sumulat na siya kay Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. para maiparating ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa China ang demand ng militar.

“Dun sa aking sulat I demand the return of seven firearms, yung pong mga baril na yun ay kinuha ng mga China Coast Guard na naka-box, naka-box kasi yung mga armas na yun kaya’t dinampot na lang nila yung mga pitong riple at sinira nila yung ating mga kagamitan and when we estimated the cost of the damage its PHP60 million.” ayon kay Brawner.

Maliban sa pitong rifles, sinabi ni Brawner na sinira rin ng China coast guard ang dalawang rigid-hull inflatable boats.

Balak din ng AFP na pagbayarin ang China sa nagastos sa operasyon ni Seaman First Class Jeffrey Facundo na naputulan ng daliri.