Resupply mission ng ‘Pinas sa WPS natuloy kahit ginulo ng China

Sinubukang harangin ng mga barko ng China ang sasakyang pandagat ng Pilipinas na nagtungo sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS) para sa resupply mission.

Sinubukang harangin ng mga barko ng China ang sasakyang pandagat ng Pilipinas na nagtungo sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS) para sa resupply mission.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente nitong Huwebes kung saan isang barko at isang maritime militia vessel ng China ang nagtangkang harangin ang BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bajo de Masinloc.

Tatlong beses umanong hinarang ng mga barko ng China ang tinatahak na direksyon ng BRP Datu Sanday, dahilan upang maglabas ng radio challenge ang barko ng Pilipinas.

‘Di nagpatinag ang China sa radio challenge at nagpadala pa ng helicopter upang obserbahan ang takbo ng naturang barko ng Pilipinas. Sa kabilang dako, tinapatan ito ng Pilipinas ng isang Cessna plane.

Sa huli, nagawang makalusot ng BRP Datu Sanday sa pangha-harass ng China at nabigyan ng suplay ang 44 na bangka ng mga Pilipinong mangingisda na nasa Bajo de Masinloc.