China matindi winasak sa barko ng ‘Pinas na papuntang Ayungin Shoal

Matindi ang naging pinsala sa vessel ng Pilipinas matapos itong targetin ng water cannon ng dalawang barko ng China Coast Guard (CCG).

Matindi ang naging pinsala sa vessel ng Pilipinas matapos itong targetin ng water cannon ng dalawang barko ng China Coast Guard (CCG).

Papunta ng Ayungin Shoal ang Unaizah May 4 nang kanyonin ito ng mga Chinese.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), malala ang naging sira ng Philippine vessel, na magre-resupply sana ng kagamitan sa BRP Sierra Madre.

Batay pa sa AFP, ilang delikadong manuever ang ginawa ng mga barko ng CCG kung saan muntik nang mabangga ang Unaizah.

Hindi rin pinalampas ng Chinese militia vessel ang escort ng resupply ship na MRRV 4409 ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela, pinaikutan ng mga Chinese vessel ang kanilang barko dahilan para mahiwalay ito sa resupply ship.

Sa kabila ng pangha-harass ng China ay matagumpay namang nakarating sa BRP Sierra Madre ang Unaizah May 4.

Samantala, mariing kinondena ng National Task Force on West Philippine Sea ang panibagong pag-atake ng China sa mga barko ng ‘Pinas.

“The actions of the agents of the PRC (People’s Republic of China) today in the waters of the Philippine exclusive economic zone (EEZ) show to the Filipino people, the region, and the world that the PRC recognizes no reasonable or legal restraint nor limitation upon its actions under international law,” lahad ng task force.