China maraming nilabag na int’l law sa Ayungin – Año

Hindi ikinukunsidera ni National Security Adviser Eduardo Ano na armed attack ang paggamit ng bolo at palakol para pigilan ng Chinese Coast Guard ang rotation at resupply mission ng Armed Forces of the Philippines sa Ayungin Shoal kung saan naputulan ng daliri ang isang sundalo.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Ano na nakasaad sa international definition na maituturing lamang na armed attack ang isang insidente kung sobra ang ginamit na puwera ng militar.

“We cannot classify it as armed attack because by international definition of an armed attack, it is the use of military force an excessive use of force that could trigger collective self defense,” pahayag ni Ano.

Bagamat hindi armed attack, sinabi ni Ano na maraming paglabag na ginawa ang China.

“Even dun sa Article 51 ng UN Charter, at saka sa Mutual Defense Treaty hindi siya magfa-fall sa definition ng armed attack. But the People’s Republic of China violates a lot of international and domestic laws including use of illegal force, violation of… Convention on collision at sea at SOLAS, International Convention on Safety of Life at Sea at saka Declaration of Conduct, dapat doon lahat ng member states should exercise self restraint and always opt the use of peaceful means to settle disputes,” pahayag ni Ano.