China maghihinay-hinay sa paghuli ng ‘trespasser’ sa SCS – eksperto

Naniniwala ang ilang eksperto na maghihinay-hinay rin ang China sa kanilang anti-trespassing policy sa South China Sea.

Naniniwala ang ilang eksperto na maghihinay-hinay rin ang China sa kanilang anti-trespassing policy sa South China Sea.

Paliwanag ni Dr. Froilan Calilung, political analyst at direktor ng Local Government Development Institute, tiyak na lilikha kasi ng malawakang pagkondena mula sa international community sakaling magsagawa nga ng pag-aresto ang China.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Calilung na hindi lang naman sa Pilipinas nakatuon ang banta ng China kundi sa lahat ng dayuhang papasok daw sa inaangkin nilang teritoryo.

Kapag nagkataon, magkakaroon anya ito ng latay sa China partikular sa kanilang ekonomiya.

Ayon kay Calilung, ka-transaksyon din ng China ang ibang mga bansa na pumapanig sa Pilipinas at hindi malayong magpatupad ang mga ito ng economic sanctions.

Sabi ng political analyst, hindi gugustuhin at hindi hahayaan ng China na humina ang kanilang ekonomiya kaya mag-iisip rin ito bago gumawa ng isang bagay na may negatibong epekto sa kanilang bansa.