China, kinakabahan sa PH-US-Japan alliance!

Walang karapatan na makialam ang Japan sa sigalot ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea, ayon sa spokesperson Chinese Embassy sa Japan.

Walang karapatan na makialam ang Japan sa sigalot ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea, ayon sa spokesperson Chinese Embassy sa Japan.

Nagpaabot kasi ng pagkabahala ang Japan sa patuloy na panghaharas ng China sa WPS kung saan nitong Martes lang ay hinaras nito ang resupply mission ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal kung saan isang Pinoy ang naputulan ng daliri at marami pa ang nasugatan.

Mariin itong pinabulaanan ng China at sinabing pumalag lamang dahil naunang nagpakita ng aggression sa lugar.

“We express our strong dissatisfaction and resolute opposition to the fact that the Japanese side has once again made erroneous remarks on the South China Sea issue that manipulate right and wrong, and make unreasonable accusations against China,” sabi ng spokesperson.

“Japan’s cooperation with the United States and the Philippines must not undermine China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests,” dagdag nito.

Patuloy na kinokondena ng Pilipinas ang panghaharas ng China sa mga teritoryo sa WPS na kabilang sa economic exclusive zone ng bansa, na siya namang suportado ng Estados Unidos, Canada, at iba pang mga karatig bansa.