China inilabas kasunduan kay Duterte

Sa unang pagkakataon ay isinapubliko ng China ang ilang detalye hinggil sa kasunduan nila kay ex-president Rodrigo Duterte noong 2016.

Sa unang pagkakataon ay isinapubliko ng China ang ilang detalye hinggil sa kasunduan nila kay ex-president Rodrigo Duterte noong 2016.

Batay sa pahayag ng Chinese Embassy, naganap ang kasunduan noong bumisita si Duterte sa China.

Pumayag umano ang dating pangulo na maliliit na bangka lamang ng mga mangingisdang Pinoy ang maaaring pumalaot sa West Philippine Sea (WPS) at hindi pwede ang magpasok ng coast guard at mg abarko ng militar.

Paliwanag pa ng China, maayos ang kasunduan nila kay Duterte ngunit nagbago ito nang magpalit ng administrasyon.

“This is the basic reason for the ceaseless disputes at sea between China and the Philippines over the past year and more,” giit ng China.

Samantala, ilang beses nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala siyang alam sa naturang kasunduan.

“The Chinese are insisting that there is a secret agreement and, perhaps, there is, and, I said I didn’t, I don’t know anything about the secret agreement,” wika ni Marcos.

Matatandaang ang dating tagapagsalita ni Duterte na si Harry Roque ang nagbuking tungkol sa kasunduan.