Chibog no more! Mukbang videos ipagbabawal ng DOH

Ipagbabawal na ng Department of Health ang pagmumukbang dahil nakakasama raw ito sa kalusugan.

Ipagbabawal na ng Department of Health ang pagmumukbang dahil nakakasama raw ito sa kalusugan.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, hindi raw magandang kasanayan ang pagmumukbang dahil nawiwili ang mga taong gawing online content ang sobrang pag-lapang ng pagkain.

“Overeating is not healthy. It will lead to hypertension, heart condition, non-communicable diseases and even heart attacks,” sabi ni Herbosa.

“I can ban it locally. I can propose banning mukbang locally and even ask DICT (Department of Information and Communications Technology) to ban those sites,” dagdag niya.

Binigyang diin ni Herbosa na masama sa kalusugan ang sobra sobrang pag-chibog ng pagkaing mataas sa cholesterol.

Matatandaang naglabas ng paalala ang DOH sa pagmumukbang matapos mamatay ang food vlogger at content creator na si Dongz Apatan dulot ng stroke dahil umano sa pagkain ng ulo ng baka.