Chelsea Manalo muntik nang ‘di lumaban sa Miss U PH

Ikinuwento ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo na muntik na siyang hindi sumabak sa pagrampa para sa Miss Universe Philippines.

Ikinuwento ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo na muntik na siyang hindi sumabak sa pagrampa para sa Miss Universe Philippines.

Ayon kay Chelsea, nagkaroon kasi umano siya ng problemang pinansyal, lalo pa’t mag-isa lang naman umano siya sa buhay.

“I really had financial issues. I think most of the girls actually had that problem as well, but as for me kasi I joined here as an independent woman. Everything that I had to go through to the pageant, I laid it out on myself,” kwento nito.

Aniya, sinusuportahan naman siya ng kanyang mga magulang, subalit nang mapagdesisyunan niyang sumali sa beauty pageant ay kinailangan niyang umalis sa trabaho.

“I told my mom and my dad [that] I want to join this season for Miss Universe Philippines, so they really did support me. But because of this, I had to also risk of quitting my job, so because of that, the only income that I have was just a couple amounts,” sey pa nito.

Kaya naman laking pasasalamat ni Chelsea sa lahat ng tumulong sa kanya, lalo na sa Pamahalaan ng Bulakan.

“It’s no joke—I would like to say that I think all of the ladies, for four months, it’s really scary, and it’s a really long battle for all of us to fight it. You don’t know where our resources will come because everyone would have to risk something, and this is what happened to me, but because of the support that I’ve been getting, it made me continue and now I’m here,” dagdag pa nito.

Si Chelsea ay kinoronahang bagong Miss Universe Philippines sa coronation night na ginanap nitong Miyerkoles.