CHED: Walang mga Chinese student sa Cagayan

Sinabi ng Commission on Higher Education (CHED) na walang naka-enroll na mga Chinese student sa mga pampublikong higher education institutions (HEIs) sa probinsya ng Cagayan.

Sinabi ng Commission on Higher Education (CHED) na walang naka-enroll na mga Chinese student sa mga pampublikong higher education institutions (HEIs) sa probinsya ng Cagayan.

Ipinahayag ito ni CHED Chairperson J. Prospero De Vera III matapos ang kamakailang ulat ukol sa pagdami ng mga mag-aaral na Chinese sa lugar.

Ayon kasi sa ahensya, gumawa ng pagkabahala ang balita na ito para sa mga Pilipino, lalo pa ngayong mataas ang tensyon sa pagitan ng Pinas at China dahil sa West Philippine Sea (WPS).

Bagaman walang naiulat sa pampublikong paaralan, nilinaw ni Vera na ilan sa mga estudyante ng in Saint Paul University Philippines (SPUP) sa Tuguegarao ay nga Chinese.

Ngunit hindi naman umano nakoabahala ang balitang ito sapagkat ang SPUP ay isa umanong isang pribadong paaralan at may karapatan na tanggapin ang mga banyagang mag-aaral.

“The foreign students are attracted by the affordable cost of quality education, the use of English as a medium of instruction, and the globally recognized quality of instruction in such fields as medicine, dentistry, optometry, physical therapy, public health, and engineering,” pahayag ni Vera.

“In case of complaint or reports of violation, CHED will forward the same to this inter-agency committee for its appropriate action,” dagdag pa nito.

Ang mga miyembro ng komite ay kinabibilangan ng CHED, departments of foreign affairs, Department of education, Bureau of Immigration, National Bureau of Investigation, at National Intelligence Coordinating Agency.