CHED naglunsad ng ‘research project’ sa ‘admission and retention policies’ ng SUCs

Sa isang media briefing, sinabi ni CHED chairman Prospero de Vera III na naging matagumpay naman ang mga public university na mapadami ang nabibigyan ng pagkakataon na makatuntong sa kolehiyo ng simulan ang free tutition noong 2018.

Pinangunahan ang Commission on Higher Education ang isang research project upang suriin ang kabishanan ng “admission and retention policies” ng state universities and colleges (SUCs).

Ito’y bilang bahagi ng layunin ng CHED na mapadami pa ang kabataang Pilipino na nakaaabot ng higher education.

Sa isang media briefing, sinabi ni CHED chairman Prospero de Vera III na naging matagumpay naman ang mga public university na mapadami ang nabibigyan ng pagkakataon na makatuntong sa kolehiyo ng simulan ang free tutition noong 2018.

Gayunman, nagkakaroon naman ng problema sa SUCs dahil tumaas naman ang attrition rate o yung bilang ng mga estudyante na hindi nakukumpleto ang kanilang edukasyon o kurso.

“As more and more students take the admission test in our public universities, the admission system becomes more and more competitive,” ayon kay de Vera.

Upang tulungan ang CHED sa research project nito, inatasan nito ang Don Mariano Marcos Memorial State University, Samar State University at University of Southern Mindanao para alamin ang “equity dimension” sa admission and retention” ng ilang mga SUCs sa Ilocos Region, Eastern Visayas at Soccsksargen.

Bahagi ng pagsusuri ay upang malaman kung sino ang kumukuha ng admission tests, ang kanilang socioeconomic profiles at kung sino-sino ang mga natatanggap o nakakapasa

“If we find out that the admission system disproportionately disadvantages certain sectors, the study will now direct universities about the options that they can take to improve their admission system so more people from public schools, from rural areas, children of indigenous communities, children of rebel returnees will able to get in,” ani de Vera.

Hinihikayat din ng CHED ang ibang mga SUCs na magsagawa ng kaparehong pag-aaral.

Noong isang taon, naging sentro ng entrance test sa mga kolehiyo ang “equity” upang mabigyan ng pagkakataon ang mahihirap na estudyante sa libreng edukasyon.