Checkpoint pa more! PNP, itinaas sa ‘heightened alert’ status para sa barangay, SK elections

Sumailalim ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) sa “heightened alert” simula nitong Biyernes, Setyembre 1 bilang paghahanda sa papalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na buwan.

Sumailalim ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) sa “heightened alert” simula nitong Biyernes, Setyembre 1 bilang paghahanda sa papalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na buwan.

Sa isang pahayag, inanunsiyo ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. itinaas niya sa “heightened alert” status ang buong kapulisan, at nakatuon ang pansin nito sa pagsubaybay at pagmatiyag sa mga tinagurian “hotspot” ng halalan.

Sa kanyang pagbisita sa Police Regional Office sa Northern Mindanao (PRO-10), sinabi ni Acorda na dadami pa ang pagpapakalat ng mga pulis sa mga checkpoint upang maiwasan ang anumang malaking pagkagambala sa kapayapaan at kaayusan sa gaganaping halalan sa Oktubre.

“We have been in coordination meetings with police offices and the Comelec (Commission on Elections) and we want this election to be peaceful and orderly,” pahayag ni Acorda sa isang press briefing.

Binigyang-diin rin ni Acorda ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng pulisya at komunidad upang masigurado ang ligtas na halalan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.

“Let us remember that this success is not the result of the work of a few, but the collective efforts of a united force,” pahayag pa ni Acorda.