Chavit dinoble pabuya sa mga enforcer na humuli sa kanya

Tinaasan ni Luis "Chavit" Singson ang kanyang pabuya para sa mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sumita sa kanyang convoy noong nakaraang linggo.

Tinaasan ni Luis “Chavit” Singson ang kanyang pabuya para sa mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sumita sa kanyang convoy noong nakaraang linggo.

Matatandaang nasita ang convoy ni Singson nang dumaan ito sa EDSA busway.

Kaugnay ng insidente, nangako ang politiko na bibigyan niya ng P100,000 ang mga humuli sa kanya.

Ngunit ngayong Lunes, dinoble ni Singson ang naturang halaga at ginawang P200,000.

“Nakita ninyo yung sinabi ko sa nag-interview na magbibigay ako ng P100,000 na papremyo sa mga nanghuli, at dahil ilang araw na nangyari, gagawin kong P200,000 ang ibibigay ko,” saad ni Singson sa isang Facebook post.

Bukod sa P200,000 na napunta sa mga enforcer na sumita sa kanya, binayaran din umano ni Singson ang multa sa pagsuway ng kanyang convoy sa batas-trapiko.

“This prize was properly received by the accounting and made with receipt. This cash prize could also be used as a support and improvement to the system of MMDA,” dagdag pa niya.