Cha-cha susi sa pag-angat ng ekonomiya – Romualdez

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez ang pagpasa sa Charter change (Cha-cha) ang magpapabilis ng pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez ang pagpasa sa Charter change (Cha-cha) ang magpapabilis ng pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Sa isang pahayag sinabi ni Romualdez na kayang maabot ng bansa ang growth range na 6%-7% na inilabas ng National Economic and Development Authority.

Gayunpaman, tiwala si Romualdez na kayang higitan ng bansa ang nabanggit na growth range kung maipapasa ang economic Cha-cha.

“I am confident that we can hit at least the lowest end of the target range because the economic policies and measures the President and Congress have taken and pursued are keeping us on the right track,” saad ng House Speaker.

“We can even leapfrog if the proposed economic Charter reforms are already in place,” dugtong pa ng mambabatas.

Nasa ikatlo at huling pagbasa na sa Kamara ang economic Cha-cha, habang patuloy pa itong dinidinig se Senado.

Tangka ng Cha-cha na repasuhin ang mga ‘di umano’y restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.