Cha-cha muling aarangkada! Kamara, nais amyendahan ang konstitusyon—Romualdez

Masalimuot palagi ang usapan sa pagbabago ng 1987 Constitutions. Pero para kay House Speaker Martin Romualdez, napapanahon nang baguhin kahit ang mga probisyon nito na may kinalaman sa ekonomiya.

Plano ng House of Representatives to amyendahan ang 1987 Constitution, subalit lilimatahan lamang nito ang mga pagbabago sa mga probisyong may kinalaman sa ekonomiya.

“I believe 2024 will allow us again to revisit the whole issue on the Constitution because I think it’s timely that we revisit, and I say we’d like to focus very much on the economic provisions,” paliwanag ni House Speaker Martin Romualdez sa isang pagtitipon kasama ang media.

Ayon kay Romualdez, napapanahon nang amyendahan ang konstitusyon upang gawin itong “more attuned, sensitive, and responsive to the times.”

Partikular na nais baguhin ng Speaker ang mga probisyon sa konstitusyon na may kinalaman sa ekonomiya upang makaakit ng mas maraming foreign investor ang bansa.

“We need more foreign capital to create additional job and income opportunities for our people. Increased investments will sustain our economic growth,” ani Romualdez.

Sinabi naman ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. na isusulong nila ang pag-amyenda sa konstitusyon sa pagbubukas ng ikatlong sesyon ng Kamara.

Napakadali sana eh, napaka-dali sana kung economic provisions lang eh. Nando’n na sa Senado, pero still hindi yata gumagalaw pa sa Senado, kaya,” ani Gonzales. “Bagong Konstitusyon ng Bagong Pilipinas. So, papaano ka magtatrabaho kung Bagong Pilipinas, kung luma ‘yong ating konstitusyon?”

Dagdag pa ni Gonzales, sisilipin ng Kamara ang lahat ng paraan upang mabago ang konstitusyon, kabilang na ang constitutional convention at people’s initiative.